HRP Database Β· User Guide
Ano ang HRP Database?
Ang HRP Database ang record ng bawat kabayo sa MMTC at PJC: lahat ng takbo niya, ang resulta ng bawat karera, at ang sariling HRP figures. Dito mo makikita kung tumaas o bumaba ng class ang kabayo, gaano kalakas ang mga nakalaban niya, at paano siya tumakbo.
Pinakamadaling simulan sa Lineup ng karera ngayon, horse by horse. Iyan ang daloy sa guide na ito.
1. Magsimula sa Lineup
- Buksan ang Lineup sa horseracingph.com. Nakalista ang bawat karera ng araw.
- Ang Hrs# na may kulay ay tip ng araw: # pula = 1st pick, # asul = 2nd pick, # itim = 3rd pick.
- I-tap ang pangalan ng kabayo. Bubukas ang record niya dito sa HRP Database.
- Pagkatapos, pindutin ang β Back to Lineup sa itaas. Babalik ka mismo sa kabayong iyon sa Lineup (naka-dilaw ang row niya), kaya madaling ituloy sa susunod na kabayo.
Sa bawat karera ng Lineup may button din na π Race # sa PACEMASTER, para sa buong field sa isang tingin. Sa ibaba ng Lineup ang Connections: lahat ng sakay ng bawat jockey, trainer at owner sa araw na iyon.
Bago ang Connections, may π Resulta noongβ¦: ang Top 3 picks ng HRP Lineup at PACEMASTER sa bawat karera ng isang race day, kumpara sa opisyal na 1-2-3, tama man o mali. Sa ilalim nito ang π Lingguhang total ng bawat race card (hal. 20/27 = pasok sa Top 3 ang nanalo sa 20 ng 27 karera), na ina-update tuwing Miyerkules.
2. Ang horse record
Sa itaas ng record:
- Current race: ang karera niya ngayon (petsa, race, track, layo).
- Current FSI vs last race: kung drops in class (mas madaling karera ngayon) o rises in class (mas mahirap).
- Warning flags para sa karera ngayon, kung meron: β οΈ Hindi tumagal 2/3 π» Mahina sa PJC πΊ Malakas sa MMTC π€ 1+ taon pahinga. Paliwanag sa section 5.
- Sire, Dam, at win % niya sa MMTC at PJC.
Sa ilalim ang Past Performances, pinakabago muna. Sa ilalim ng QP ng bawat takbo ang trip notes (hal. Late rally +4 o Faded after pressing). I-tap ang petsa para makita ang buong resulta ng karerang iyon. Ang β LEGEND sa kanan ang mabilis na paliwanag ng bawat column.
3. Paano basahin ang isang takbo
| QP | Puwesto sa 800m, sa 400m, at ang finish. Ang 4-2-6th = pang-4 sa 800m, pang-2 sa 400m, tapos 6th. |
|---|---|
| Entries | Ilan ang tumakbo. Mas mabigat ang 3rd sa 12 kaysa 3rd sa 5. |
| Margin | Ilang lengths ang layo sa nanalo. Ang close ay wala pang kalahating length. |
| HrsWt | Timbang ng kabayo mismo, at ang Β± mula sa huling takbo. Bantayan ang malaking pagbaba o pagtaas. |
| FSI | Lakas ng field ng karerang iyon. βΌ = mas madaling karera kaysa sa nauna, β² = mas mahirap. Naka-berde kapag kasing-lakas o mas malakas sa karera ngayon. |
| Speed | Bilis sa simula ng karera, kumpara sa par ng class. |
| Stamina | Pinakamataas na bilis, naka-adjust sa bigat ng simula. |
| Energy | Gaano kaganda ang tapos: ang huling 400m kumpara sa gitna. 100 = hindi bumagal. |
| Rating | Ang kabuuang HRP rating ng takbong iyon. |
| JTC | Panalo (%) ng jockey at trainer kapag magkasama. |
| Trip notes | Wire to wire nanguna sa 800m at 400m at nanalo. Late rally +N umabante ng N puwesto (3 o higit) mula sa 400m hanggang finish. Faded after pressing nasa 1st o 2nd sa simula pero bumagsak ng 3+ puwesto. Lost touch 15+ lengths ang layo sa nanalo. |
4. Race Strength: maganda bang 6th o pangit na 6th?
Hindi lang kung pang-ilan siya ang mahalaga, kundi kung SINO ang mga tinalo o tumalo sa kanya. Tinitingnan ng Race Strength kung paano tumakbo sa sumunod nilang karera ang ibang kabayo sa karerang iyon.
- STRONG RACE higit kalahati ng tumakbo ulit ang pumasok sa 1stβ3rd.
- AVERAGE nasa gitna.
- WEAK RACE 1 sa 5 o mas kaunti ang pumuwesto.
- Ang 5/8 sa tabi = 8 ang tumakbo ulit, 5 ang pumuwesto. Not enough runs yet = wala pang 3 ang tumakbo ulit; kusa itong mapupunan.
Nag-6th si Everlong noong Sep 9, PJC Race 2 (QP 4-2-6th, 4 lengths lang). Pero STRONG RACE iyon: 5 sa 8 na tumakbo ulit ang pumuwesto. Sa sumunod niyang karera, 2nd siya. Ang 6th na iyon ay mas maganda kaysa sa mukha nito.
Basahin ito kasama ng Margin: ang 6th na 16 lengths ang layo ay mahina pa rin kahit STRONG RACE.
5. Warning flags: babala bago tumaya
Lumalabas ang mga flag sa horse record (Current race), sa race result page (sa ilalim ng pangalan) at sa PACEMASTER. Kinukuwenta mula sa buong record ng kabayo bago ang karera.
| β οΈ Hindi tumagal 2/3 | Nasa unahan (top 3) sa simula pero bumagsak ng 5+ puwesto pagdating sa finish, sa 2 ng huling 3 karera. Ang paborito na may ganitong flag ay nanalo lang ng 34%, kumpara sa 42% ng ibang paborito. |
|---|---|
| β οΈ Hindi tumagal last race | Ganoon din, sa huling karera lang. Bantayan. |
| π» Mahina sa (track) | Mas mababa ng 1+ point ang figures niya sa track ngayon kaysa sa kabilang track (3+ karera sa bawat isa). |
| πΊ Malakas sa (track) | Mas mataas ng 1+ point ang figures niya sa track ngayon. |
| π€ 1+ taon pahinga | Higit isang taon mula sa huling opisyal na karera. |
Babala lang ang mga flag: hindi nito binabago ang Rating o ang ranking, at hindi nito sinasabi kung BAKIT (pace, layo, class o ibang dahilan). Pinakamahalaga ito sa mga paborito: puwedeng mas mahina sila kaysa sa ipinapakita ng odds.
6. Ang race result page
I-tap ang petsa ng kahit anong takbo para makita ang buong karera:
- Race Figure: ang Rating ng nanalo kumpara sa FSI ng karera: above par, about par o below par para sa class.
- How it was run: ang quarter times at kung paano nanalo ang winner (wire to wire, mula sa likodβ¦).
- Next-Race Indicator: ang Race Strength ng buong karera.
- Trip notes at warning flags sa ilalim ng pangalan: Wire to wire Late rally Faded after pressing Lost touch (paliwanag sa section 3). Ang flags ay ang kalagayan ng kabayo bago ang karerang iyon.
- Next Race: paano tumakbo ang bawat kabayo sa sumunod niyang karera. Kung Today Β· R4, tatakbo siya ngayon; kung may petsa at "entered", naka-entry na siya.
Naka-berde ang pinakamataas na figure sa karera.
7. Rivalries at Head-to-Head
Sa Rivalries, makikita ang mga kabayo sa karera ngayon na nagkaharap na dati: ilang beses, kailan huli, at sino ang nauna. I-tap ang View para sa bawat laban nila. Sa Compare, puwede ring ikumpara ang kahit anong dalawang kabayo.
8. Mabilis na checklist bago tumaya
- Class: bumababa ba siya ng class ngayon (Current FSI vs last race)?
- Huling karera: STRONG ba ang race, at gaano kalayo siya (Margin)?
- Takbo: may Late rally ba, o Faded after pressing? Ano ang QP niya?
- Figures: kumusta ang Speed at Rating niya kumpara sa ibang kabayo sa karera?
- Warning flags: may β οΈ Hindi tumagal o π» Mahina sa track ba, lalo na kung paborito siya?
- HrsWt: may malaking pagbabago ba ng timbang?
- Tingnan ang buong karera sa PACEMASTER.
9. Libre at Database Pass
- Libre: resulta ng bawat karera, at ang huling 3 karera ng bawat kabayo (resulta lang).
- Race cards na β±25 o pataas para sa isang race day: buong record ng mga kabayong tatakbo sa araw na iyon, sa oras ng Database Access, at ang Rivalries nila. Hindi kasama ang ibang kabayo at ang race result pages (HRP figures, trip notes, warning flags, Race Strength).
- Database Pass (β±75 / 7 araw, β±230 / 30 araw) o HRP VIP: lahat ng kabayo, anumang oras, kasama ang HRP figures, FSI, Race Strength, trip notes, warning flags, JTC, ang race result pages, lahat ng Rivalries at YOPI Tips.
Mag-login gamit ang HRP account mo (ang mobile number mo sa HRP Race Cards). Ang oras ng Database Access ay nasa ibaba ng bawat page.
Mga paalala
- Sinukat ang HRP figures sa mismong karera ng bawat takbo, kaya hindi na nagbabago. Sa PACEMASTER, naka-adjust ang mga ito sa karera ngayon, kaya puwedeng iba ang numero.
- Kapag dash (β) ang isang value, hindi pa ito naitala para sa karerang iyon.
- Ang mga numero ay galing sa mga nakaraang karera. Hindi ito garantiya. Tumaya nang responsable. Para sa 18 pataas.